Duterte binuwag na ang PHILSUCOR

0
58

Binuwag na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Sugar Corporation (PHILSUCOR).

Kasunod na rin ito ng Memorandum Circular 30 mula sa Office of the President.

Ang PHILSUCOR ay isang government owned and controlled corporation na binuo nuong Nobyembre 14,1983 sa ilalim ng Presidential Decree 1890 na naglalayong magkaloob ng tulong pinansyal sa mga sugar mill, refineries, manufacturing, storage, distribution at shipment ng asukal.

Sa ilalim ng Republic Act 10149 o GOCC Governance Act of 2011, inirekomenda ng governance commission for GOCC ang pagbuwag sa PHILSUCOR dahil sa duplication ng trabaho nito sa sugar regulatory administration.

Isinailalim na sa liquidation ang assets ng PHILSUCOR para sa settlement ng liabilities nito samantalang pagkakalooban naman ng kaukulang kumpensasyon ang mga apektadong empleyado ng ahensya.