Duterte dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang

0
46

Dumalaw na ang Pangulong Rodrigo Duterte sa punto ng kanyang mga magulang.

Alas diyes kagabi nang dumating ang pangulo sa museleo ng mga magulang at nag tirik ito ng kandila at nagdasal.

Halos 30 minutong nanatili sa puntod ng kanyang mga magulang sa Roman Catholic Cemetery ang pangulo bago ito umalis.

Humingi pa ng paumanhin ang pangulo sa mga naghintay sa kaniya dahil kailangan na niyang kaagad umuwi matapos manggaling ng Isabela.

Hindi naman nasayang ang paghihintay ng mga tao dahil binigyan sila ng bigas at canned goods na ginagawa ng pangulo kada taon.