DOF tiwala na mapagtatagumpayan ng PH ang hamon sa ekonomiya

0
56

Hindi nagpapa-kumpiyansa ang gobyerno sa mga usaping nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Tiniyak ito ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na nagsabing tiwala siyang mapagtatagumpayan ng bansa ang mga aniya’y hamon sa ekonomiya.

Ayon kay Dominguez, nakapagsulong na ng mga agresibong hakbangin ang Duterte administration para makaagapay sa inflation at mapanatili ang growth momentum ng bansa.

Sa gitna na rin ito ng US-China trade tensions at patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa world market.

Ipinabatid ni Dominguez na patuloy naman silang kumikilos para tutukan ang tumataas na inflation simula pa nuong Mayo batay na rin sa interest rate hikes ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).