Duterte dinalaw ang 5 sundalong nasawi sa Sulu

0
35

Dinalaw ng Pangulong Rodrigo Duterte ang limang sundalong nasawi sa pakikipag laban sa Abu Sayyaf group sa Patikul, Sulu.

Bahagi ito nang pagbibigay pugay ng pangulo sa mga nasabing sundalo na maituturing aniyang mga bayani na pawang mga miyembro ng 41st Infantry Batallion.

Nakilala ang mga naturang sundalo na sina Corporal Renhart Macad, Corporal Bryan Apalin, Corporal John Raphy Francisco, Corporal Marlon Manuel at Private First Class Jordan Labbutan.