Eleazar itinangging pinagalitan ng isang Chinese official

0
47

Itinanggi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar na pinagalitan siya ng isang Chinese official dahil sa mga grupong nagsagawa ng kilos protesta sa harapan ng chinese consultare sa Makati City kasabay ng pagdating ni President Xi Jinping.

Kasunod ito ng pagkalat online ng larawan ni Eleazar kasama ang isang Chinese official na ayon sa nag-post ay pinagagalitan siya.

Ayon kay Eleazar, sa katunayan ay pinasalamatan pa siya ng naturang Chinese official dahil sa inilatag nilang seguridad kasabay ng pagdating ni President Xi.

Ipinaliliwanag lamang aniya sa naturang Chinese official na ibinibigay lamang nila ang nararapat na seguridad kay Xi na tulad ng ibinigay ng pamahalaan ng China nang magpunta doon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Eleazar, hindi galit ang nasabing Chinese official na mukha lamang aniyang nakasimangot dahil sa araw.

Tinawag ding fake news ni Eleazar ang kumalat post dahil kinunan aniya ang larawan sa Luneta Park at hindi sa labas ng Chinese Consulate.