Planong military ‘takeover’ sa BOC isinasapinal na

0
47

Isinasapinal na ng gobyerno ang pag-takeover ng militar sa Bureau of Customs (BOC).

Kasunod na rin ito nang pagtatalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Customs Chief Isidro Lapeña sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ipinabatid ni Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Tony Lambino na nagsimula na ang planning para sa nakatakdang pamumuno ng mga sundalo sa BOC at posibleng ilabas na nila ang mga detalye hinggil dito sa mga susunod na araw.

Kahapon ng umaga ay dumalo si Lapeña sa huling flag raising ceremony niya sa BOC kasabay na rin nang pagpapaalam niya sa kaniyang mga naka trabaho sa loob ng isang taon at dalawang buwang panunungkulan.


Duterte posibleng dismayado kaya ipinag-utos ang military takeover sa BOC 

Posibleng dismayado na ang Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t ipinag-utos na ang military take over sa Bureau of Customs (BOC).

Paniniwala ito ni dating BOC commissioner ngayo’y Congressman Ruffy Biazon dahil sa aniya’y paulit ulit na problema ng smuggling at korupsyon sa customs.

Ang nasabing hakbang ayon pa kay Biazon ay indikasyon din nang pagnanais at commitment ng Pangulong Duterte na i-reporma ang ahensya

Kasabay nito, sinabi ni Biazon na mahalagang linawin ng pangulo kung anong mga posisyon ang maaaring i-takeover ng military personnel gayundin ang lawak at hangganan ng kanilang mga kapanagyarihan.

Kagaya na lamang ng anumang misyong ibinibigay sa isang sundalo bago sila makapag operate binigyang diin ni Biazon na dapat tiyak at malinaw ang mga layunin nila sa customs at kailangang may nakahandang exit plan para rito.