Duterte at Go negatibo sa COVID-19

0
19

Nag negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go.

Ito ang ibinahagi ni Senator Christopher Bong Go matapos nilang sumailalim ng pangulo sa COVID-19 test matapos na magpa-self quarantine ang ilang miyembro ng gabinete dahil sa pagkaka-expose sa isang indibidwal na nagpositibo sa nasabing virus.

Ayon kay Go, kapwa sila negatibo ng pangulo sa anumang impeksyon dahil sa virus at parehong silang may malakas na pangangatawan.