Thursday, May 9, 2024

Duterte aminadong walang magagawa ang PH sa patuloy na pagtaas ng inflation

- Advertisement -

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na walang magagawa ang Pilipinas sa inflation o patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Quality Award Conferment Ceremony sa Malakanyang, inihayag ni Pangulong Duterte na sadyang hindi maiiwasan ang “trade imbalance” kaya’t patuloy ang mabilis na inflation rate.

Hindi rin anya kinaya ng matatalinong cabinet member tulad Finance Secretary Sonny Dominguez at Undersecretary Jesus Melchor quitain ang problema sa ekonomiya.

Inamin din ng pangulo na malaking bagay kung may sapat na supply ng langis ang bansa at kung   marami ang ine-export kumpara sa ini-import na produkto.

Gayunman, nilinaw ng punong ehekutibo na hindi naman dapat sisihin ang gobyerno sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Every time there is an increase in the prices of oil you can verily expect that by the next week kasali na yung mga prices ng lahat. So, inflation is always there. And our trade balance from the calculations anywhere, everywhere and even today. We always pay more than we sell. We import more but we export just about a little. Good, that there was a very limited market and that is why inflation is very high. You can crucify me if you want, behead me if you want in public, I can’t do anything about the oil.” Pahayag ni Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img