Mahigit 150 hotels at resorts sa Boracay halos fully booked na sa soft opening bukas

0
57

Halos fully booked na ang mahigit 150 hotel at resort na aprubadong makapagbukas sa soft opening ng Boracay bukas, Oktubre 26.

Kasabay nito, nanawagan ang Department of Tourism (DOT) sa mga hotel at resort na patuloy na tumatanggap ng booking kahit hindi pa pinapayagan bumalik sa kanilang operasyon.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na tigilan na ng mga establisyementong wala sa listahan ang panlilinlang sa mga tao.

Una rito, nagbanta na ang Boracay Inter Agency Task Force na ipa-podlock ang mga hotel at resort na hindi aprubado ngunit magtatangka pa rin magbukas sa soft opening ng isla.