Duque inakusahang umano’y godfather ng mafia sa PhilHealth

0
19

Inakusahan ni resigned PhilHealth Anti Fraud Officer Thorsson Keith si Health Secretary Francisco Duque III na godfather ng mafia sa PhilHealth.

Nang tanungin ni Senator Grace Poe si Atty. Keith kung bakit niya ito nasabi ay iginiit nito na sa pagpapatupad pa lamang ng kinukwestyong  interim reimbursement mechanism (IRM) ay malinaw na may kinalaman si Duque bilang chairman ng board.

Siya rin aniya ang nag-apruba ng appointment ng mga inaakusahan ngayon na mga miyembro ng PhilHealth mafia.

Ayon naman kay Regional Vice President Dennis Adre, na si Duque ang nasa likod ng plan 5 million noon.

Ito anya ay kanilang ginawa noong presidente si Duque ng PhilHealth noong panahon na nangunguna ng 5 million sa survey sa pagka-Presidente  ang namayapang si Fernando Poe Jr.

Para anya matapatan ang 5 million na lamang sa survey, ay namigay umano sila ng 5 million PhilHealth cards.

Samantala, pinabulaanan naman ito ni Duque kasabay ng pahayag na wala siyang kinalaman sa pulitika ang mga programa ng PhilHealth. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)