Hindi maaring iwanan ng isang lider ang kanyang bayan sa gitna ng krisis.
Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na lumutang ang mga balitang lumipad siya patungong Singapore nitong nakaraang linggo.
Ayon sa Pangulo, lubhang nakakababa ng tingin ang pagpapalutang ng pekeng istorya laban sa kanya.
Aniya, sakali mang magpunta siya ng ibang bansa ay wala namang dahilan para itago niya ito sa publiko gayong hindi rin naman niya ginagamit ang pera ng taumbayan.
Giit pa ng Pangulo, kung nanaisin man niyang bumiyahe palabas ng bansa ay walang makakapigil sakanya at aalis aniya siya kung gugustuhin niya.