Thursday, May 2, 2024

Duque humingi ng paumanhin sa publiko

- Advertisement -

Humingi ng paumanhin si Health Sec. Francisco Duque III sa publiko.

Ito ay matapos na ihayag ng kalihim na matagumpay na na-flatten ng Pilipinas ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa noong buwan ng Abril.

Sa unang naging pahayag ni Duque, sinabi nito na naikurba na pababa ng bansa ang bilang ng kaso ng COVID-19 dahil sa mabagal na case doubling rate noong panahong iyon.

Sa kabila ito ng mga naitatalang daan-daang bilang ng kaso ng COVID-19 kada araw noong buwan ng Abril.

Gayunman, binawi rin naman ni Duque ang kanyang naging pahayag at sinabing nalito lamang siya kaya’t kaniyang naibigay ang naturang pahayag.

Sa paglilinaw ng kalihim, kanyang sinabi na noong buwan ng Abril ay matagumpay na nailiko ng Pilipinas ang epidemic curve ng COVID-19 cases dahil sa mabagal na case doubling rate matapos na ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso.

Samanatala, sa pinaka huling ulat ng Depart, nasa halos 60,000 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img