35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

2.1-milyon na Pilipino pa lamang ang nakatanggap ng SAP —DSWD

- Advertisement -

Nasa 17 porsyento pa lamang ng kabuuang benepisyaryo ng social amelioration program (SAP) ang nakatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Ito’y ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rolando Bautista kung saan nasa 2.1-milyong Filipino pa lamang anya ang nakatatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP.

Mula ito sa target na 12-milyong mga benepisyaryong pinaka apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis sa bansa.

Sinabi ni Bautista, malaking hamon kasi sa kanila ngayon ang pag rereview sa mga liquidation reports pati na ang listahan ng mga benepisyaryo.

Aniya, kaya sila natatagalan ay dahil nais nilang matiyak na walang duplication na magaganap o yung mga benepisyaryo ng sap na nakatanggap rin ng ayuda mula sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Sa ngayon, umaasa naman si Bautista na matatapos nila ang pamimigay ng ayuda sa mga kuwalipikadong benepisyaryo nito sa katapusan ng buwan ng Hulyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -