DSWD: Nasa higit 15-M pamilya na ang nakatanggap ng SAP

0
37

Nasa higit 15-M pamilya na ang nakatanggap ng cash subsidy sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Ayon Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Dir. Irene Dumlao, mula sa 18-M pamilya na target ng SAP ay nasa higit 15-M na ang nakatanggap ng ayuda, kahapon.

Aniya, nasa 85% rin nang inilaan P100-B para sa first tranche ng SAP ang naipamahagi sa mga benepisyaryo nito.

Sinabi pa ni Dumlao, kumpiyansa ang DSWD na matatapos ngayong araw ng mga local government units (LGU)’s ang pamamahagi ng cash subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP.