DILG: Mga opisyal ng barangay kailangan dagdagan pa ang kuwalipikasyon

0
21

Dapat na dagdagan pa ang mga kuwalipikasyon para sa mga opisyal ng barangay.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersec. Jonathan Malaya, dapat nang i-elevate ang mga kuwalipikasyon para sa mga opisyal ng barangay dahil mas mabigat na tungkulin na ang ini-aatas sa kanila ng national government.

Sinabi ni Malaya, ginagampanan na kasi ng mga barangay ang tatlong sangay ng gobyerno kaya’t dapat lamang na taasan ang mga kuwalipikasyon para sa mga barangay opisyal.

Dagdag pa nito, dapat din aniyang “i-professionalize” na ang mga barangay dahil hindi lamang honoraria ang mga natatanggap ng mga ito kundi nakatatanggap din sila ng suweldo.