‘Ang Huling El Bimbo’ naka-5M views sa loob lang ng 2 araw

0
26

Umani ng 5-M views online Ang Huling El Bimbo Musical matapos lamang ang 48 oras.

Ito ang masayang ibinahagi ni Dexter Martinez Santos, ang direktor at choreographer ng nasabing musical sa kaniyang Facebook account.

Sinabi ni Santos na labis siyang nag papasalamat sa lahat ng mga nanood at nag share ng kanilang pagtatanghal sa teatro lalo na sa mga nag donate dahil gagamitin naman itong pantulong sa mga apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dagdag pa ni Santos, ikinagulat din niya ang papuring natanggap ng kanilang pagtatanghal dahil nangangahulugan itong buhay pa ang sining ng teatro sa bansa.