Monday, May 6, 2024

DSWD kumpiyansang maipamamahagi ang emergency cash aid hanggang May 7

- Advertisement -

Kumpiyansa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maipamamahagi ang emergency cash aid hanggang bukas, Huwebes, ika-7 ng Mayo.

Ito ang binigyang diin ni DSWD Director Irene Dumlao kaugnay ng itinakdang deadline para sa pamamahagi ng social amelioration fund sa mga benepisyaryo nito, hanggang bukas.

Ayon kay Dumlao, nasa 72.3% o katumbas ng 13-milyong pamilya ang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa pamahalaan.

Mula ito sa target na 18-milyong pamilya na dapat makatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda sa ilalim ng social amelioration program.

Aniya, buo ang tiwala ng DSWD na matatapos ng mga lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng pay out para sa mga benepisyaryo ng naturang programa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img