Sunday, May 5, 2024

Drug Den, Sinalakay Ng Mga Otoridad Sa Barangay Poblacion 2 Cotabato City

- Advertisement -

Cotabato City – Sinalakay ng mga operatiba ng Police Station 3 ang isang Drug Den sa pangunguna ni Police Major Theng Bacal katuwang ang mga kawani ng Barangay sa pangunguna ni Chairman Johair Madag ng Barangay Poblacion 2 Cotabato City pasado Ala Una ng Hapon ngayong araw ng Miyerkules.

Kinilala ang may ari ng bahay na si Brahim Sandarya Usman, bente siyete anyos, may asawa, payong payong driver at residente ng Purok krislam Barangay Poblacion 2 Cotabato City.

Nakuha sa kanyang tahanan ang limang maliliit na pakete ng pinaghihinalaang shabu, Sampong disposable Lighter, Plastic Transparent Cellophane na pinagmulan ng pinaghihinalaang shabu at iba pang Drug Paraphernalia.

Ayon sa Chairman ng Barangay na si Johair Madag matagal ng sinusubaybayan ng mga kawani ng Barangay ang nasabing suspek at ilang beses na din nilang pinagsabihan.

Nagkaroon din ng pagkakataon na giniba na ng mga kawani ng barangay ang kanilang tahanan ngunit muli nilang itinayo upang gawing tirahan at nagsisilbi ding Drug Den.

Inirerekomenda muli ng kapitan ng barangay na ipagiba muli ang kanilang tahanan at hindi na maari pang manirahan ulit sa loob ng kanilang barangay.

Nakapiit na ngayon sa selda ng Police Station 3 ang suspek at nakatakda ng sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

(Source: Cotabato News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img