Bagong kaso ng polio virus sa bansa kumpirmado — DOH

0
46

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang panibagong kaso ng polio virus sa bansa.

Ayon sa DOH, isang siyam na taong gulang na batang babae mula sa Basilan ang ika-walong kaso ng polio virus.

Nagpositibo anila sa polio virus ang samples na kinuha mula sa bata at ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine at National Institute of Infectious Diseases sa Japan.

Ang ika-apat hanggang ika-pitong kaso ng polio virus sa bansa ay nagmulang lahat sa Mindanao.