Saturday, May 4, 2024

Drilon at Lacson tinawag na ‘sagabal’ ng kamara kaugnay sa panukalang pambansang pondo

- Advertisement -

Tinawag ng mga lider ng House of representatives na obstructionists legislators o mga sagabal sina Senate minority floor leader Franklin Drilon at Senador Panfilo Lacson.

Kasunod ito ng pahayag ng 2 senador na may mga anomalya sa ipinasang 2020 General appropriations bill o proposed national budget na ipinasa ng mababang kapulungan.

Ayon kay Deputy speaker at Misamis Occidental Representative Henry Oanimal, hinahadlangan nina Drilon at Lacson ang mga programang pangreporma ng  administrasyong Duterte.

Aniya, hindi dapat nagpapalabas ng mga premature statement ang 2 senador at gawing masama ang imahe ng mga kongresista gayung hindi pa nabubusising mabuti ng mga ito ang panukalang pambansang budget.

Iginiit naman ni Deputy speaker at Cebu City Representative Pablo John Garcia na pairalin nila Drilon at Lacson ang interparliamentary courtesy.

Samantala, ibinalik naman ni Deputy speaker at Ilocos Sur Representative Deogracias Victor Savellano kay Drilon ang sinasabi nitong pork barrel sa 2020 proposed budget dahil nakinabang naman aniya ito sa nakaraang administasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img