29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pangulong Duterte pinangunahan ang isang seremonya ni CJ Bersamin

- Advertisement -

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang seremonya para sa panunumpa sa tungkulin ni Chief Justice Lucas Bersamin.

Batay sa ipinalabas na pahayag ng Malakanyang, kasama ni Bersamin ang kanyang pamilya sa ginanap na seremonya sa Malakanyang kahapon.

Maliban kay Bersamin, nanumpa rin kay Pangulong Duterte sa kaparehong okasyon sina Supreme Court Associate Justices Ramon Paul Hernando at Rosmari Carandang.

Gayundin ang 49 na iba pang mga bagong talagang opisyal ng pamahalaan kabilang na ang mga hukom at state prosecutors.

Dumalo naman sa seremonya ang iba pang mahistrado ng Korte Suprema at mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -