DA ngapalabas ng SRP sa ilang mga pangunahing produktong agrikultural

0
15

Nagpalabas ng Suggested Retail Price (SRP) para sa ilang mga pangunahing produktong agrikultural ang Department Of Agriculture (DA).

Kasunod na rin ito ng pagsasailalim sa state of calamity ng buong bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, alinsunod sa kanilang ipinalabas na circular noong Pebrero 20, itinatakda ang presyo ng mga sumusunod na produkto:

     karne ng baboy (pigue o kasim) – P190.00 per kilo

     manok (whole, dressed) –P130.00 per kilo

     asukal (brown) – P45.00 per kilo

     asukal (puti) – P50.00 per kilo

     bangus – P162.00 per kilo

     tilapia – P120.00 per kilo

     galunggong (imported) – P130.00 per kilo

     bawang (imported) – P70.00 per kilo

     bawang (local) – P120.00 per kilo

     pulang sibuyas – P95.00 per kilo

Kasabay nito, tiniyak ni Dar na mahigpit nilang babantayan kung naipatutupad ang mga nabanggit na srp bilang bahagi na rin ng umiiral na price freeze.