DOTr kinukunsidera magpatupad ng total ban sa mga public transportation sa NCR

0
24

Ikinukunsidera ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng total ban sa mga pampublikong transportasyon sa gitna ng pag-iral ng community quarantine sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Transportation Spokesperson Goddes Libiran, katuwang ang Inter-Agency Task Force (IATF), tinatalakay na nila ang posibilidad ng total ban sa mga pampublikong transportasyon.

Ani Libiran ikinukunsulta na rin umano nila ito sa iba pang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Giit ng opisyal napakarami kasing pasaway, matigas ang ulo, pilosopo at makasarili kaya’t mas lalo aniyang nagiging mahirap ang pagpapatupad ng community quarantine sa NCR.