Pinagbawalan na ng Department of Tourism (DOT) ang mga lokal at dayuhang turista na lumangoy sa ilang beach sa Panglao, Bohol at El Nido, Palawan.
Ito, ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat, ay dahil sa napakataas na lebel ng coliform bacteria sa tubig.
Kabilang sa mga tinukoy ni Puyat ang Alona Beach sa Panglao at Buena Suerte Beach sa El Nido.
Ayon sa kalihim, hindi maganda sa kalusugan ng mga turista ang paglangoy sa mga naturang lugar at maaaring makaapekto ito sa tourism industry.
Gayunman, wala namang binanggit si Puyat kung kailan tatanggalin ang swimming ban habang nagsasagawa ng water quality test ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kada 15 na araw.