28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Palasyo binanatan ang CHR sa pahayag nito sa planong pagbuo ng death squad ng pangulo

- Advertisement -

Makitid umano ang utak ni Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon.

Ito ang banat ng Malakanyang matapos ihayag ni gascon na labag sa konstitusyon ang pagbuo ng anumang death squad kontra sa sparrow unit ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tama naman ang CHR sa argumento  na kapag sinabing death squad, ang intensyon nito ay pumatay ng mga inosente at maghasik ng takot.

Gayunman, malaki anya ang kaibahan ng planong buuing death squad laban sa sparrow unit dahil ang tungkulin nito ay ang pigilan o labanan ang mga hindi makataong aktibidad ng mga rebeldeng grupo.

Sa ngayon ay bumuo na ng task force ang Department of National Defense (DND) upang pag-aralan ang mga gagawing hakbang sa paglikha ng anti-sparrow unit o Duterte Death Squad (DDS).


Pangulong Duterte seryoso sa ideya ng pagbuo ng anti-sparrow unit kontra NPA

Binigyang diin ng Malakanyang na seryoso Si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano nitong bumuo ng anti-sparrow unit kontra New People’s Army (NPA).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi maaring magbiro si Pangulong Duterte sa plano nito lalo’t nakasalalay dito ang kaligtasan ng mga law abiding citizen.

Batid naman aniya ng lahat ang mga pananambang o pagpatay ng mga rebeldeng grupo sa tropa ng pamahalaan at mga inosente na hindi maaring palampasin ng pangulo.

Ito aniya ang dahilan kung bakit nais ng pangulo na bumuo ng anti-sparrow unit na tutuldok sa mga karahasang ginagawa ng mga armado o komunistang grupo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -