4 na bilanggo dahil sa gang rape, murder binitay sa India

0
31

Binitay na ang apat na convicts sa gang rape at murder na naganap sa Delhi bus noong 2012 sa India.

Madaling araw nang isagawa ang pagbitay sa apat na convicts sa Tijar Jail sa kapitolyo ng India.

Daan-daang katao na kinabibilangan ng pamilya ng biktima ang nag-abang sa labas ng Tijar Jail para sa hustisya para sa biktima na tinawag nilang si Nirbhaya.

Matatandaan na kabi-kabilang protesta at umani rin ng galit sa maraming bahagi ng mundo ang nangyari kay Nirbhaya.

Ang biktima ginahasa ng anim katao sa loob ng Delhi bus at iniwang, agaw buhay sa gilid ng kalsada hanggang sa masawi na ito nang madala sa ospital.

Ang ika-limang convict ay nagpakamatay sa loob ng kanyang selda noong 2013 samantalang ang isa pa ay menor de edad kaya’t pinalaya ito matapos ang tatlong taong pagkabilanggo.