DA hindi minamaliit ang isyung pahupain ang ASF

0
37

Naniniwala ang Malakanyang na hindi minamaliit ng Department of Agriculture (DA) ang isyung pahupain ang African Swine Flu (ASF).

Ito ay kasunod ng pahayag ng ahensya na ang mga naitalang kaso ng ASF ay sa piling lugar lamang tulad ng Rizal at Bulacan.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kung may dapat paniwalaan ay walang iba kundi ang Department of Agriculture (DA) dahil lahat ng binibitawan nitong pahayag ay base sa mga natuklasan nilang pag-aaral.

Dagdag pa rito, kumbinsido rin si Panelo na nahahawakan ng maayos ng DA ang problema sa ASF pati narin ang pagtukoy sa mga lugar na mayroong ganitong kaso.