Monday, May 6, 2024

EAMC inihahanda na ang kanilang isolation ward vs. nCoV

- Advertisement -

Inihahanda na ng East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City ang kanilang isolation ward.

Ito ay bilang paghahanda ng ospital sakaling kailanganin ang isolation ward para sa mga Persons Under Investigation (PUI), o ‘yung mga pasyenteng inoobserbahan bunsod ng 2019 novel coronavirus (nCoV).

Gayunman, sinabi naman ng pamunuan ng nabanggit na ospital na wala pa silang hawak na kaso ng nCoV sa ngayon, at kung sakali man na may pasyente na makitaan ng sintomas ng nCoV ay agad naman nila itong dadalhin sa ospital ng gobyerno gaya ng Lung Center, Research Institute for Tropical Medicine at San Lazaro Hospital na eksperto sa mga nakahahawang sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img