DOJ iniimbestigahan na ang serye ng pagpatay sa mga BuCor officials

0
53

Iniimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang serye nang pamamaslang sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay kasunod ng pinakahuling insidente ng pagpatay kung saan tinambangan si BuCor Chief Insp. Angelito Padilla sa Poblacion, Muntinlipa City noong Lunes.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra, pinag-aaralan ang pattern ng pagpatay sa mga BuCor officials dahil posible aniyang may kinalaman ito sa kampanya ng pamahalaan laban sa pagbebenta ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Matatandaang, noong Setyembre, pinaslang rin si BuCor Insp. Romel Reyes matapos pagbabarilin ng gunmen na nakasakay sa motorsiklo malapit sa sunken graden ng NBP, habang lima (5) namang bucor officials ang tinambangan sa Leyte kung saan tatlo (3) sa biktima ang nasawi.