CJ Bersamin nais tutukan ang 3 mahahalagang judicial reforms

0
45

Nais tutukan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang tatlong (3) mahahalagang judicial reforms.

Ayon sa punong mahistrado, kabilang sa kaniyang isusulong ang paggalang at pagtaguyod sa mga karapatan ng mga Pilipino para sa due process of law.

Bukod dito, bibigyan din aniyang proyoridad ang mabilisang pagresolba sa mga kaso, libreng access sa korte at ang sapat na legal assistance para sa mga mahihirap.

Gusto rin ni Bersamin na humingi ng tulong sa mga law school at law students sa buong bansa para tulungang mabigyan ng legal services ang mga mahihirap

Isa rin sa gusto niyang tulungan ang mga lower courts partikular ang pagbibigay sa mga ito ng karagdagang gusali at pagbibigay ng mga makabagong mga kagamitan.