30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

DOJ hindi muna aaksyunan sa paglabag ni Pimentel sa home quarantine protocol

- Advertisement -

Hindi muna aaksyunan ng Department of Justice (DOJ) ang umano’y paglabag ni Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa home quarantine protocol.

Ito ang naging paglilinaw ni Justice Sec. Menardo Guevarra matapos na magtungo ng senador sa  Makati Medical City (MMC) upang isugod ang kaniyang asawang buntis sa kabila ng pagiging positibo nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Guevarra, hindi naman nila pu-pwedeng imbestigahan agad si Pimentel hanggat walang nagsasampa ng reklamo laban dito.

Sinabi ni Guevarra, sa ngayon kasi ay nahaharap ang bansa sa matinding banta ng COVID-19 at maraming tao ang nagkakamali sa ganitong sitwasyon.

Aniya, mananatiling tapat ang DOJ sa kanilang mandato at kanilang paiiralin ang batas sa bansa ng mayroong malasakit sa kapwa.

Gayunman, nanindigan naman si guevarra na hindi naman ito nangangahulugang pababayaan na lamang nila ang naging aksyon ni Pimentel, bagkus ay hinihintay lamang nila na may magsampa ng reklamo laban sa Senador.

Una rito, inihayag ng pamunuan ng MMC na labis na pinang hinaan ng loob ang mga frontliners sa kanilang ospital dahil sa naging hakbang ni Pimentel kung saan posible pa nitong naikalat ang virus sa ospital.

Matatandaang una nang sinabi ngInter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) na mahaharap sa karampatang kaso at parusa ang lahat ng mga lalabag sa quarantine protocols.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -