34.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

DOH nirepaso ang kanilang protocols para sa COVID-19

- Advertisement -

Nirepaso na ng Deparment of Health (DOH) ang kanilang protocols hinggil sa pag-didischarge o pagpapa-uwi sa mga pasyenteng nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay upang madecongest, o mabawasan din ang mga pasyente sa ospital dahil sa patuloy na pag-taas ng bilang ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Vergeire, maari nang pauwiin ang isang pasyenteng nagpositibo sa virus sa oras na bumuti na ang kundisyon nito, clinically asymptomatic at kung mag negatibo na ito sa isang COVID-19test.

Gayunman, nilinaw naman ni Vergeire na kailangan pa rin namang sumailalim ng isang na-discharge na pasyente sa 14-day quarantine kung saan isasalang itong muli sa isa pang COVID-19 test.

Sa dati kasing patakaran ng DOH, dapat na dalawang beses na mag negatibo sa testing ang isang pasyente bago ito payagang makauwi.

Aniya, batay kasi sa payo ng mga eksperto, hindi na kailangang manatili pang naka-confine sa mga ospital ang isang pasyente kung wala na itong sintomas ng virus.

Ang bagong patakaran na ito ng DOH ay bunsod ng ulat na hindi na tumatanggap ng mga pasyente ang ilang mga ospital sa bansa dahil sa dami ng mga pasyente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -