DOH nananatiling ‘transparent’ hinggil sa COVID-19 cases sa bansa —DOH asec

0
34

Muling nanindigan ang Department of Health (DOH) na walang itinatago ang kagawaran hinggil sa mga kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang binigyang diin ni Health assistant secretary Maria Rosario Vergeire kung saan nananatili aniyang ‘transparent’ ang DOH hinggil sa sitwasyon sa COVID-19 sa bansa.

Aniya, walang katotohanan na hindi nila inirereport lahat ang mga kaso ng COVID-19 dahil wala rin namang dahilan para harangin o itago ng DOH ang mga naturang impormasyon.

Una rito, sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na bagamat hindi intensyon ng DOH ay maaring may under reporting na nagaganap hinggil sa totoong kaso nito.