Monday, May 6, 2024

Buhay, kalusugan ng mga estudyante ‘di dapat malagay sa alanganin dahil sa COVID-19 —Navotas mayor

- Advertisement -

Hindi dapat malagay sa alanganin ang buhay at kalusugan ng mga estudyante sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Navotas Mayor Toby Tiangco matapos niyang suspindihin ang klase sa mga paaralan sa Navotas dahil na rin sa panganib ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Ayon kay Tiangco, nasa 10 araw na lamang kasi ang nalalabing araw ng pasok para sa mga paaralang nag-umpisa noong Hunyo ang school year calendar.

Kaugnay pa nito, idinipensa rin ni Tiangco ang kaniyang itinutulak na ‘automatic passing’ sa mga estudyante dahil ito ay para sa kapakanan ng publiko.

Ilan ba ‘yung estudyanteng sinasabi natin na magbebenepisyo, supposedly, from his, compare sa number of students na mababawasan ‘yung risk na mahawa sa COVID-19 kung hindi papasok? Siguro, sasabihin mo, dalawa –tatlo, ang papasa na hindi daoat pumasa –ilan naman ‘yung na-limit mo ‘yung possibility na magka-COVID-19? ‘Yung buong klase ‘yon,” ani Tiangco. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img