DOH aminadong limitado ang testing kits para sa COVID-19

0
25

Aminado ang Department of Health (DOH) na limitado lamang at mabagal ang kanilang testing kits.

Ayon ito kay Health Assistant Sec. Maria Rosario Vergeire, kulang na kulang ang pagsusuri para malaman kung positibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang indibidwal.

Sinabi ni Vergeire, aabot lamang kasi sa 1,269 lamang ang na-test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Dagdag pa ni Vergeire, nasa animnaraan lamang kada araw ang kayang i-test ng mga laboratoryo.

Aniya sa ngayon nasa 2,500 na lamang ang test kits na natitira sa RITM.

Gayunman, inaasahan naman ng DOH ang nasa higit 100,000 testing kits mula sa ibang bansa.