NAIA naka-alerto sa panganib ng Coronavirus

NAIA naka-alerto sa panganib ng Coronavirus

by Powered by DWIZ
42 views

Mahigpit nang binabantayan ng mga otoridad ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos na ma-ospital sa Cebu City at makitaan ng sintomas ng bago at hindi pa natutukoy na Coronavirus ang isang 5-taong gulang na bata mula sa China.

Ayon kay Department of Health (DOH) Spokesperson Eric Domingo, naka-alerto na ang mga otoridad at mahigpit na binabantayan ang lahat ng pasaherong paparating sa bansa.

Sinabi pa ni Domingo na naglagay na rin sila ng mga thermal scanners sa paliparan upang masiguro na hindi makapapasok pa sa bansa ang naturang sakit.

Dagdag pa ni Domingo, agad nilang ika-quarantine ang mga pasaherong may mataas na lagnat partikular na ang mga pasaherong magmumula sa China.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Domingo na mas handa ang pamahalaan sa mga ganitong kaso kumpara noong 2002 SARS outbreak.

0 comment

Related Posts