31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

DOH nagpaalala sa publiko ngayong malamig ang panahon

- Advertisement -

Panatilihing malakas at maayos ang pangangatawan.

Ito ang paalala ngayon ng Department of Health (DOH) sa publiko para maiwasan ang mga posibleng makuhang sakit dahil sa malamig na panahon.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, uso sa mga panahong ito ang trangkaso na sanhi aniya ng influenza virus.

Kabilang sa mga sintomas nito ay pananakit ng ulo, lagnat, pananakit ng lalamunan, sipon, ubo at pananakit ng mga kasu-kasuan.

Kaya payo ng kalihim, palakasin ang immune system sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas.

Maliban dito, mahalaga din ang regular na pag-eehersisyo at sapat na haba ng tulog.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -