29.8 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Tapyas presyo sa LPG sumalubong sa unang araw ng Disyembre

- Advertisement -

Sumalubong ngayong unang araw ng Disyembre ang rollback sa presyo ng LPG.

Epektibo kaninang alas dose uno ng hatinggabi, P6 ang itinapyas ng petron sa kada kilo ng kanilang LPG o katumbas ng P70 rollback sa kada tangke.

Maliban dito, may bawas din ang Petron na P3.50 sa kada litro ng kanilang auto LPG.

Alas sais naman ng umaga, nagpatupad ng P6.36 na rollback ang Solane sa kada kilo ng kanilang LPG o katumbas ng P69.96 kada  tangke.

Ang Eastern EC Gas naman, may P5 kada kilo o P55 diskwento sa kada tangke ng kanilang LPG.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -