34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

SP Sotto ipinagtanggol ang PH-China joint exploration deal sa mga bumabatikos nito

- Advertisement -

Binuweltahan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga bumabatikos kaugnay sa memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan sa malakanyang sa pagitan ng Pilipinas at China sa state visit ni Chinese President Xi Jinping.

Partikular na rito ang mga nagsasabing ipinamigay na ng pangulo sa China ang West Philippine Sea dahil sa planong joint exploration na nakapaloob sa MOU.

Ayon kay Sotto, hindi papayag si Pangulong Duterte na malugi ang Pilipinas sa mga kasunduaang pinapasok nito sa China.

Giit pa ni Sotto masyado pang maaaga para bumira ng batikos dahil hindi pa naman nakikita ang MOU sapagkat di pa nakapagbibigay ng kopya ang Malakanyang.


Palasyo tiniyak na isasapubliko ang nilalaman ng MOU na nilagdaan ng PH at China

Tiniyak ng Malakanyang na kanilang isasapubliko ang nilalaman ng memorandum of agreement (MOU) kaugnay sa oil at gas exploration deal sa West Philippine Sea na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi agad ito naasikaso dahil sa pagiging abala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa dalawang araw na state visit ni Chinese President Xi Jinping.

Hiniling ni Panelo ang kaunting pag unawa lalo na aniya sa mga kagawad ng media na nag-aabang sa nasabing kasunduan.

Tiniyak din ng tagapag-salita na sa oras na available na ang dokumento ay agad itong isasapubliko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -