AFP tiniyak ang kaligtasan ng mga bibisita sa Maguindanao sa paggunita ng ika-siyam na annibersaryo ng massacre

0
47

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kaligtasan ng mga bibisita sa Sitio Masalay, Brgy. Salman sa Ampatuan, Maguindanao.

Kaugnay ito sa pagguntia sa ika-siyam na anibersaryo ng Maguindanao Massacre ngayong araw na ito.

Ayon kay Major Arvin Encinas, spokesman ng 6th infantry division ng Philippine Army nuong isang linggo pa nila dinagdagan ang deployment ng mga sundalong magbabantay sa massacre site kasama ang pulisya.

Sa katunayan, ang nasabing massacre site ay naging tourist destination na matapos ang ipinangakong pag-develop sa lugar ng provincial government ng Maguindanao.

Makikita sa massacre site ang isang hugis aklat na lapida na may nakasulat ng pangalan ng mga biktima at naka kalat na limamput walong maliliit na lapida na kulay puti na nakahilera sa paligid na nagsilbing palatandaan kung saan nahukay ang mga ito.

Sementado na rin ang daan paakyat at papasok sa massacre site habang napapalibutan na rin ng plantasyon ng saging ang lugar sa ngayon.

Kahapon ay nag alay ng bulaklak sa massacre site sina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar at Presidential Task Force on Media Security Undersecetary Joel Egco.

Inaasahang dadagsa sa massacre site ngayong araw na ito ang mga pamilya ng mga biktima para magsagawa ng programa bukod pa sa pag aalay ng bulaklan, panalangin at magsindi ng kandila.