530 staff ng UST Hospital isinailalim sa quarantine dahil sa COVID-19 threat

0
28

Isinailalim sa quarantine ang 530  staff ng University of the Santo Tomas (UST) Hospital sa Maynila.

Batay sa ipinalabas na pahayag ng UST Hospital management, kasama sa mga naka-quarantine ang mga consultant, fellows, resident doctors, nurses, at mga aid.

Ito ay matapos na ma-expose ang mga ito sa mga pasyenteng pinaghihinalaan at positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, asahan na ng publiko ang limitadong serbisyo ng ospital.

Samantala, tiniyak naman ng UST Hospital na patuloy ang kanilang pag monitor sa mga sitwasyon ng pasyente at agad ring ipapaalam sa publiko ang iskedyul ng mga operation unit.