Bidding sa karagdagang 203k metric tons na bigay naudlot

0
44

Hindi natuloy ang bidding ng National Food Authority (NFA) para sana sa importasyon ng karagdagang 203,000 metric tons ng bigas.

Ito ay matapos na hindi na sumali sa public bidding ang mga bansang Vietnam at Thailand dahil nahirapan umano ang mga ito na makatugon sa itinagdang term of reference ng pamahalaan.

Ayon kay NFA Spokesperson Angel Imperial, itinakda ng ahensiya ang nasa $450 per metric ton na reference price para sa kailangang dami ng bigas para na rin sa proteksyon ng bansa.

Kaugnay nito, muling pag-uusapan ng NFA Council kung kailang muling itatakda ang re-bidding para sa importasyon ng mahigit 200,000 metriko toneladang bigas.

Magugunitang, nag-aangkat ng bigas ang NFA sa pamamagitan ng government to government scheme para matiyak ang sapat na buffer stock ng ahensiya at mapatatag ang presyo ng NFA rice.