COVID-19 testing kits hindi sapat sa bansa —DOH

0
16

Hindi sapat ang coronavirus disease 2019 (COVID-19 ) testing kits ng pamahalaan.

Ito ang naging pag-amin ng Department Of Health (DOH) sa gitna ng tumintinding panawagan para sa mass testing sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bukod kasi sa kakulangan ng test kits, hindi rin sapat ang bilang ng mga  laboratoryo at health staffs na magsasagawa ng pagsusuri.

Aniya, hindi kasi ibig sabihin na patuloy na nakatatanggap ng testing kit ang pilipinas mula sa ibang bansa ay may kakayahan na itong magasagawa ng malawakang pagsusuri para sa sambayanang Filipino.

Sinabi ni Vergeire, dapat na mabatid ng lahat na kailangan din naman ng DOH ng otorisadong eksperto at mga laboratoryo para maisagawa ang mga pagsusuri.

Matatandaang, nakatanggap ang pilipinas ng isandaang libong testing kits mula sa China, bukod pa ito sa naunang testing kits na ipinadala ng South Korea at World Health Organization (WHO).