33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

DOH at SEATCA iminimungkahi ang mataas na excise tax sa tabako       

- Advertisement -

Parehong iminumungkahi ng Department of Health (DOH) at ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA) ang pagpataw ng mas mataas na excise tax sa produktong tabako.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mas mainam kung mas mataas ang ipapataw na buwis sa sigarilyo para mapigilan o mabawasan ang pagkonsumo nito.

Sinabi rin niya na makaiiwas sa paninigarilyo ang 2,000 hanggang 300,000 non-smokers kung maipapatupad ang mungkahi ng Senado na maging P60 hanggang P90 ang kada pakete ng sigarilyo.

Tinukoy naman ni SEATCA Executive Director Ulysees Dorotheo sa kanilang survey na titigil lamang sa paninigarilyo ang mga kabataan kung papatak na sa halagang P20 kada stick ang sigarilyo na kasalukuyang nasa P7.

Ang mababang presyo anya ng sigarilyo sa bansa ang dahilan kung bakit mas maraming kabataan ang naninigarilyo dito kumapra sa ibang mga bansa sa Asya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -