Saturday, May 18, 2024

Pag-tow sa illegally parked at colorum PUVs sinuspinde ng MMDA

- Advertisement -

Suspendido ang towing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga illegally parked at colorum public utility vehicles (PUVs).

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, wala ng espasyo ang kanilang impounding areas sa Pasig at Marikina cities.

Mag-i-issue lamang ang MMDA ng violation ticket na P300 at maaaring i-exempt ang mga violator sa pagbabayad ng P1,500 towing fee lalo’t limitado lamang ang espasyo sa kanilang impounding area.

Gayunman, hindi anya ito dapat ipagdiwang ng mga violator dahil pagmumultahin pa rin nila ang mga mahuhuling iligal na nakaparada at colorum na PUV.

Aabot lamang sa 148 sasakyan ang inimpound ng ahensya simula nang paigtingin ang kampanya kontra colorum PUV noong Setyembre habang nasa 6,000 ang hinatak mula sa 30,000 illegally parked vehicles noon namang isang taon.

Isa sa mga nakikitang solusyon ng MMDA upang mabawasan ang sisikan sa kanilang impounding area ang pagbubukas ng karagdagang impounding sites sa Southwest Integrated Terminal sa Parañaque City at Llda Compound sa Quezon City.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -