DOF inaming walang nailaang ayuda para sa mga apektado ng biglaang pagbabalik-MECQ ng Metro Manila, karatig lalawigan

0
13

Inamin ng Department of Finance (DOF) na walang nailaang pondo ang pamahalaan para sa cash assistance sa mga apektado ng biglaang pagbabalik ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilang karatig na lalawigan.

Paliwanag ni Finance Secretary Carlos Dominguez, hindi naman kasi inaasahan na muling ibabalik ang mahigpit na quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar.

Gayunman, bagamat hindi aniya nakasama ang pondo para sa ayuda ay sisilipin pa rin ng economic team kung posible pa itong maipasok sa Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One bill.

Samantala, iginiit naman ni Budget Secretary Wendel Avisado na mayroong sapat na pondo ang gobyerno para suportahan ang pangangailangan ng mga maaapektuhang sektor.