DOE pursigidong madagdagan ng nuclear energy ang suplay ng kuryente

0
8

Pursigido ang Department of Enegy (DOE) para madagdagan ng nuclear energy ang suplay ng kuryente.

Ipinabatid ni Energy Secretary Alfonso Cusi na kumikilos na sila para magamit ang nuclear energy bilang dagdag na kuryente at maiwasan ang brownout.

Sinabi ni Cusi na magiging transparent sila at kokonsultahin ang lahat partikular sa Sulu, Cagayan at Palawan kung saan ilalagay ang modular nuclear plant bagamat aabutin pa ng ilang taon bago ito maitayo.