COVID-19 death toll sa buong mundo mahigit 700,000 na

0
10

Sumampa na sa 700,836 ang death toll sa buong mundo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa pinakahuling tala ng Agence France-Presse, lumobo naman sa 18,844,530 ang positibong kaso ng COVID-19 mula sa 196 na bansa sa buong mundo.

Pinakamaraming naitala ang Estados Unidos na may 4,824,175 na kaso ng COVID-19 at 158,268 na bilang ng nasawi.

Samantala, tinatayang nasa 11,159,300 naman ang bilang ng nakarekober sa sakit sa buong mundo.