DOTr asec. Goddes Hope Libiran nagpositibo sa COVID-19

0
17

Kinumpirma mismo sa DWIZ ni Department of Transportation (DOTr) assistant secretary Goddes Hope Libiran na nagpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos na isailalim sa RT-PCR testing ang mahigit 3,000 staff ng MRT-3, para sa kanilang pagbabalik-operasyon.

Ayon kay Libiran, ngayong araw lamang ng Biyernes lumabas ang kanyang resulta sa swab testing.

Mga five minutes before you call, lumabas na ‘yung aking result ng swab test, at na-test po ako ng positive sa COVID-19,” ani Libiran.

Suspetsa ni Libiran, posibleng nahawa siya sa isang nakasama sa conference room.

Bilang public servant, hindi naman aniya maiiwasan na ma-expose sa mga tao.

Ako naman po ay naka-home quarantine since noong ako ay nagpa-swab. Pero dahil syempre public servant tayo, may mga times po in the past two weeks ay na-expose tayo sa kung sinu-sinong tao, lalo na po sa Metro Manila, meron pong mga meeting, may mga hearings po tayo na inattendan at meron pong isang tao doon na nagpositive po sa COVID-19, pero nakasama ko po sya sa isang conference room,” ani Libiran.

Tiniyak naman ni Libiran na naka-home quarantine na siya simula pa nang sumailalim ito sa swab testing nakaraang buwan. —sa panayam ng DWIZ Connect