Sunday, April 28, 2024

DOE pinatitigil ang rate hike na ipatutupad ng NAPOCOR sa mga sineserbisyuhan nitong lugar

- Advertisement -

Pinatitigil ng DOE o Dept. of Energy ang rate hike na ipatutupad ng NAPOCOR o National Power Corporation sa mga sineserbiyuhan nitong lugar.

Ito mismo ang ipinag utos ni Energy Sec. Alfonso Cusi, kung saan sinabi nito na sa halip ay dapat gumawa ang NAPOCOR ng paraan upang mawabasan ang missionary subsidies—ayusin at mas pagandahin ang kanilang operasyon.

Kaugnay ito ng petisyon ni NAPOCOR Pres. Pio Benavidez kung nakasaad ang rate hike sa missionary generation charges sa mga off-grid islands ng bansa.

Ayon kay Cusi, magiging mabigat na pasanin ito sa mga konsyumer at taliwas aniya ito sa kanilang mandato na magbigay ng murang power rate sa mga Pilipino.

Paliwanag pa ni Cusi sa ilalim ng memornadum na isinumite ng NAPOCOR, higit na magiging mataas ang power generation charge sa mga probinsiya kung saan papalo ito sa 8 pesos point 55 centavos per kilowatt hour kumpara sa 5 pesos point 25 centavos per kilowatt hour na singil sa Metro Manila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -